Ang Red Toga

6:19 PM


Sabi nga ni Pareng Neil Gaiman, "Enjoy your work and your small victories; don’t get swept up into the next thing before being fully present with the joys of this one." I know the journey is still long to get that "dot" but let me savor this moment.

I am HUMBLED. The lawchool has been a roller coaster ride for me. Patambling-tambling habang pinagsasabay lahat - pag-aaral, pagtatrabaho at pagiging breadwinner ng pamilya. HIMALA. Natanggap ko na yan from the fact na makaka-graduate ako ng San Beda. Hindi madali financially, emotionally and mentally pero sabi ko nga nandyan naman lagi ang ever powerful God. Sa lahat ng ito, Siya talaga yun. Kahit last minute Siya pa din yun. "Ora Et Labora", ika nga.

"And, when you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it.", oo palasak na pero just believe within your heart na totoo ito. Hahaha. Para ito sa mga regalong natanggap ko because of this experience, - regalong hindi materyal kundi mga lessons learned, mga tao at gurong naging inspirasyon, pamilya, mga kaibigan sa loob at labas ng lawschool (alam niyo na kung sino kayo. LABYU ALL), mga kaklase from all walks of life at higit sa lahat again para sa mga small miracles - mga pagkakataong nakakalusot ka sa recitations, mga pagkakataon na nakaka-tsamba sa exam at kahit nga pag-graduate ko ay feeling ko escape from death pa din eh, daig ko pa si Harry Potter na suot ang deathly hallows - na nag conspire to lead me to this point.

ANIM NA TAON. Hehe it took me six years (muntik pang maging seven) to finish my degree. Hindi ko ikinahihiya dahil kasabay sa anim na taong ito ay ang mga tagumpay na pagpapatapos sa aking mga kapatid ng business administration at civil engineering. Kaalinsabay din ang aking "pangangareer" sa pagiging development worker. I was blessed to be part of dynamic institutions that aim to improve lives of the people. Pati na din ang paniniwalang LGUs are the engines of growth. So anong point? This is just to say that lawschool is not the end all and be all, if you fail in lawschool or kahit sa anong bagay man, there is a greater horizon to enjoy life. Sabi nga ni Dean Riano, there are no problems, there are just decisions to make. So happy happy lang, as long as the passion remains. "Stoyashchego", o Russian yan para sa mga nakapanuod ng "Bridge of Spies".

Ang dami ko ng "hanash" at daldal, sorry nag-enjoy mag-sulat, feeling ko kase graduation piece ko ito hahaha. Lastly, maniwala sa sinasabi ni Tita Fantasia to believe in the impossible and reach within you heart to overcome any obstacles. Don't let your dream just fall apart. Strive to be the very best and shine your light for all to see that anything is possible when you believe. (Alam ko kinanta nyo, char!)

Ultimately, ito ay para sa aking tatlong taong gulang na sarili na naniwala na magiging abugado siya (hopefully soon!) at para sa aking Papa na nasa langit na.(isang kindat naman dyan!)


You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images