'Hashtag series': #minsanmayisangmatsing

10:15 AM



Matalino man ang matsing naiisahan pa din. Lintik. Akala ko mas matalino na ako sa matsing pero pagdating pala sa pag-ibig bumibigay din. Walang ligtas, ang tanging pagkakaiba lang ay ang sukat kung gaano katagal tumambay ang piring na tumatakip sa ating mga mata at kung hanggang kelan nag-malfunction si katwiran upang magpakatanga.

Tanga. Medyo masakit ngang salita pero ano nga ba ang akma? Nariyan ng alam mong tapos na pero umasa ka pa, tanga ba? Hmmm. Well.

O yung pasimula pa lang na stage, kumbaga conceptualization. Yung tipong akala mo type ka na ni kuya o ate pero namalikmata ka lang pala dahil sa mga pinakita niya na binigyan mo ng rainbow colors eh black and white naman pala. Inday at dodong para sa kaalaman mo ang black and white ay hindi kulay. 

Eto makinig ka dahil minsan ko lang sasabihin to, wag mo dalhin ang pagiging creative sa pag-ibig dahil oo at hindi lang ang sagot dyan, walang maybe-because-tapos-question mark at kung anu-anong inarte. Ang question mark ay isang napakalamyang bantas, at sa usapang pag-ibig, para bongga, exclam lahat. Intiendes? Exclam para intense.

Exclam, eh ayun naexclam ako, exclam na iba ang ibig sabihin, may halong galit. Galit sa sarili dahil wala eh alam mong nag ilusyon ka. Pero wag mo sisihin ang sarili mo, teh nag-iisa lang yan pag inaway mo ay goodluck naman.

Anyway mabalik tayo, sabi nga ng libro ni pareng Greg Behrendt na 'He's not just that into you', matalino ka naman eh, alam mo ang tama at mali, duh! kaya ka nga tao dahil you are born to be rational. Kaya aware ka at alam mo yang ginagawa mo, wag kang magpanggap na nadala ka. "You are not confused, you're just hopeful" Oh, emphasis supplied dun sa hopeful, in tagalog #UMASA. Para highlighted pa eto i-cacaps ko, HINDI KA NAGUGULUHAN, UMASA KA LANG, AT HIGIT SA LAHAT TINULUNGAN MONG I-JUSTIFY ANG MGA ACTIONS NYA PARA MAIAKMA SA KUNG ANO ANG INAASAHAN MO. Ouch mehn! Ano naramdaman mo? O tulog ka pa din?

Tulog tapos panaginip. Alam naman natin na pinakamasarap na bahagi ng ating pagtulog ay ang managinip, kahit nga di ka tulog nanaginip ka eh. Pero ika nga, maganda man ang panaginip pilitin mong gumising. Mahirap ng ma-inception kagaya ni pareng Leo. Tandaan, habang tumatagal ka dyan mahihirapan ka ng i-identify ang reel sa real. Sa panahong ganito, kelangan mag step-up ka! Teh di ka artista sa pelikula, buhay at future mo ang nakataya dito, dapat direktor ka, alam mo kung kelan ka sisigaw ng cut.

At ayun nga ang dulo, marerealize mo na matsing ka, kase alam mo namang matalino ka, pero naisahan ka. Eh ganun talaga si pag-ibig traydor, kahit nga si kupido patalikod kung tumira eh.

So anong point neto? Wala lang, gumawa lang ako ng isang pelikula na kung saan pwede kong gamitin ang creativity ko at i-manipulate ang istorya, umekstra bilang artista pero di kinaya, wala eh pandirektor lebel kumbaga ang talent ko, dahil ngayon na, oo ngayon na, sisigaw na ako ng "CUT" That was a good take! Congratulations!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images