PMS

10:27 PM




Tangina. Badtrip. Pakshet. Grrrr. Profanity kung profanity wala akong pake. Basta ang alam ko badtrip ako, pero kung baket di ko alam.

Siguro dahil sa katabi ko sa fx na na medyo malusog at pawisan, ew diba. O sa babaeng ipinilit siniksik sa upuang pang waluhan daw, eh hala parang kalahati ng puwet nya di maipatong man lang. Ang ending, ayun ako na naman tong naipit sa gitna. Sabi ko na eh, dapat nagtaxi ako pero pakshet ang haba din ng pila, nakakawala din ng pasensya.

Buwiseeeet. Nabubuwisit ako dahil sa mga empleyadong gobyerno na binabaan ako ng telepono kanina dahil di lang nila alam ang sagot sa mga tanong ko, sa paulit ulit na pagpapasa sa mga taong tangina wala din palang alam. Ang simple lang naman ng tanong ko at nasa mandato nila ito. Hay gobyerno kelan ka magbabago. Hindi ba nila alam na linya ng cellphone ko ang gamit ko na bawat minuto ay ginto.

Takte eto na habang sinusulat ko to, yung pawis ng katabi ko eh dumidikit na sa balat ko. Nakakadiri, nakakasuka, parang gusto ko ng manapak, pero wala eh naka PUV ka kase teh kaya wag ka mag inarte. 

Bakit nga ba ako iritable? Yan ang tanong ng kaibigan kong biglang nag text. Di ko din alam. Actually dalawang araw na din akong may sa walong oras na natutulog, hoping na paggising ko tanggal na ang inis ko. Pero wala pa din.

Nakain ko  na ang lahat ng gusto kong kainin - nagkanin sa umaga, fried chicken ang ulam, kumain ng chocolate. Goya yung may raisins, nilantakan yung butterscotch mula sa Iloilo na binigay ng katabi, nag-aya ng samgyeopsal sa mga kaopisina sa pag aakalang mawawala ang inis ko pagkumain ako ng bongga. Di pa natapos binanatan ko pa yung nerds na binili ko din kahapon, tapos yung barquillos na iniabot lang ng kaopisina ko galing Bohol. Wala pa din, badtrip pa din ako. Dumaan ng mcdo at nag-order ng large fries at large coke, awa ng Diyos naubos ko naman pero inis pa din ako.

Ayun, hanggang sa napunta na nga ako dito sa fx na kasalukuyan namang sinasandalan ng katabi ko. Ano ba! Mananapak na talaga ako. Pero kelangan ko magpakahinahon. Hinahon. Bakit nga ba ako naiinis? Naiinis ako kasi di ko alam ung bakit ako naiinis. Pakshet tinatanong nyo ako eh di ko din alam ang sagot tangina mas nakakainis di ba. Hay naku umaasa na lang ako na lilipas din ito.

Salamat PMS minsan ang galing ng timing mo!

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images